September 26th, 2006 by aramacale
lessons from ram 002
ram: ta, vicky…
tash: bicky
ram: vvvv… vicky…
uu nga naman, iba yung v sa b.
lessons from ram 002
ram: ta, vicky…
tash: bicky
ram: vvvv… vicky…
uu nga naman, iba yung v sa b.
yan ang bagong tinuturo ni ram sa akin. tinuturuan nya ako magsalita e.
ram: "bay…"
ara: "bay…"
ram: "nde!!!… bayyyyy…"
ara: "bayyyy…" (ginagaya ko din facial expression nya kasi baka kasama yun sa criteria ng good diction and pronounciation ni ramses)
ram "nde!…nde!"
kelan kaya ako matututong magsalita??? ;P
palibhasa mukhang hapon si ram, or mukha akong japayuki. hahaha. eto mga bloopers namin…
(1)
kapitbahay: nakita ko na nanay ni ram. nagtrabaho ba sa japan yung kapatid mo?
ate ko: nde, teacher dati un…
(2)
kapitbahay sa yaya: hapon ba tatay ng alaga mo? (turo kay ram)
(3)
ram at ara sumakay sa fx, ung sa likod. makikita si ram ng mga kasakay namin tapos mapupunta ang usapan nila sa kakilala nila japayuki, tungkol sa japan. (3 beses na to, baka sensitive lang ako, haha)
(4)
sa taxi…
ram (kausap si mamang taxi driver): hehra g za jah hdhbcs ahdaj (basta may sasabihin syang kelangan ko ng interpreter)
taxi driver: sorry di ako marunong magjapanese
(5)
mamang nakatayo sa harap ng gate namin: hapon ba tatay nya?
ara: nde po, pinoy
(6)
to mas subtle…
officemate: may lahi bang hapon yung tatay ng baby mo?
:p
right now, im trying to research (naks, feeling college) kung anu maganda design para sa gown. perstaym ko magiging maid of honor. di ko pa nga alam kung anu itsura ng heavy shantung. hmmm, silk daw.
its been 8 days, di ako nagririce. shucks, kelan ko kakayanin ang pagpapanggap na to hahaha
whuaaaa!!! im beginning to like my shift, hehehe. 130am. habang natutulog na lahat ng tao, papasok pa lang ako. alanganing panggabi alanganing pangmorning. pero ok na to. at least before ako umalis, ako nagpapatulog kay ramses sa gabi. and speaking of ramses, my goodness, two na sya, terrible two talaga.
we were at marketmarket! nung sunday, and siguro lahat ng tao alam na pangalan nya. lage na lang ako ‘ram…. ramses!… ramses!’ every 5 seconds. pumila kami sa mercury kasi binilhan ko sya ng inumin e kala nya ayaw ko ibigay, 3 beses sya nagdidive sa sahig. nung la pa ako anak at nakakakita ako ng mga nagtatantrums na bata, sabi ko sa sarili ko di ko palalakihin anak ko na ganun. grrrrrr…. nagkalat ng moo at ng c2. tapos nakita nya mg stroller na may mga animal bodies… bigla syang nagtumahol. ewan ko lang ha, pero ala naman kaming lahing aso. hahaha. kung everyday ko siguro pinapasyal si ram, payat na ko ngayon.
pero i dont mind, shucks… pag binata na yun di ko na pwedeng ibaby, at kargahin (malamang) at sabihan… sana matagal pa yun…
napost ko tuloy picture ko nung fourth year high school ako. Si tuffy di pala alam na ako ung inaccept nya. sus sinulatan ko pa dati kaya pala di nagrereply di pala ako kilala. sus. madami sa high school friends ko di ko na nakita after college kaya irerefresh kolang memories nila. hehehe.
napatingin tuloy tuloy ako sa mga pics ko nung bata pa ko, higschool and college. Nung teacher ako, ala ako masyado pics, kasi alam ko haggard ako. hehehe.
pinakita ko nga yan sa office. nung una nahuhurt ako ako kasi tinatawanan nila. e ako naman yan e. di naman ako nahihiyang mataba ako nun. sa kinalaunan natawa na din ako sa itsura ko nun hahaha…
Call Center Mode 0000001
Dumaan ako sa palengke para bumili ng ingredients para sa saging con sago. Actually, di ko alam lutuin yun. Sa mga ganun pagkakataon, tinatanong ko yung tindera paano lutuin yun. So ganito usapan namin:
Ara: Paano po magluto ng saging con sago?
Ale: Pakulo ka ng tubig na may brown sugar tapos ihalo mo yung sago atsaka yang saging.
Ara: Really??? Like, as in di pa sya ripe?
Yeah, as in really.