early morning shift
whuaaaa!!! im beginning to like my shift, hehehe. 130am. habang natutulog na lahat ng tao, papasok pa lang ako. alanganing panggabi alanganing pangmorning. pero ok na to. at least before ako umalis, ako nagpapatulog kay ramses sa gabi. and speaking of ramses, my goodness, two na sya, terrible two talaga.
we were at marketmarket! nung sunday, and siguro lahat ng tao alam na pangalan nya. lage na lang ako ‘ram…. ramses!… ramses!’ every 5 seconds. pumila kami sa mercury kasi binilhan ko sya ng inumin e kala nya ayaw ko ibigay, 3 beses sya nagdidive sa sahig. nung la pa ako anak at nakakakita ako ng mga nagtatantrums na bata, sabi ko sa sarili ko di ko palalakihin anak ko na ganun. grrrrrr…. nagkalat ng moo at ng c2. tapos nakita nya mg stroller na may mga animal bodies… bigla syang nagtumahol. ewan ko lang ha, pero ala naman kaming lahing aso. hahaha. kung everyday ko siguro pinapasyal si ram, payat na ko ngayon.
pero i dont mind, shucks… pag binata na yun di ko na pwedeng ibaby, at kargahin (malamang) at sabihan… sana matagal pa yun…