palibhasa mukhang hapon si ram, or mukha akong japayuki. hahaha. eto mga bloopers namin…
(1)
kapitbahay: nakita ko na nanay ni ram. nagtrabaho ba sa japan yung kapatid mo?
ate ko: nde, teacher dati un…
(2)
kapitbahay sa yaya: hapon ba tatay ng alaga mo? (turo kay ram)
(3)
ram at ara sumakay sa fx, ung sa likod. makikita si ram ng mga kasakay namin tapos mapupunta ang usapan nila sa kakilala nila japayuki, tungkol sa japan. (3 beses na to, baka sensitive lang ako, haha)
(4)
sa taxi…
ram (kausap si mamang taxi driver): hehra g za jah hdhbcs ahdaj (basta may sasabihin syang kelangan ko ng interpreter)
taxi driver: sorry di ako marunong magjapanese
(5)
mamang nakatayo sa harap ng gate namin: hapon ba tatay nya?
ara: nde po, pinoy
(6)
to mas subtle…
officemate: may lahi bang hapon yung tatay ng baby mo?
:p